Aspire Like No Other

Dear Faye,

Uunahin ko muna higit sa lahat ay mag sorry. Sorry at hindi ko naishare lahat sa iyo. Naiintindihan ko at nauunawaan ko nararamdaman mo. Okay lang na magalit ka sa akin. Hindi fair kasi hinayaan ko na lang. Hinayaan ko kasi past na naman at wala naman akong ginagawang masama nung time na iyon. Ayoko lang na maging rason pa ng di pagkakaintindihan natin yun kaya di ko na shinare dati, natakot kasi ako na pagtalunan natin. Hindi ko kasi gustong magalit ka sa akin. Kaso ngayon galit ka na sa akin, wala din naging mabuting epekto. May itatago ba ako sa iyo, wala. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para mang gago o manakit at manloko ng babae. Matagal ng tapos ang issue kay Ayesha, 2010 pa yun. Kaibigan at kaibigan lang ang tingin at turing ko kay Ayesha, mga panahon na nagkikita kami eh hindi kami lang kasama niya bf niya at ang barkada. Ako na mismo ang naiwas sa kanya. Hindi ako para umepal at pumatol sa may relasyon. Kung pinagduduhan mo ako ang loyalty ko sa iyo, hindi na ako para umeffort sa iyo at hindi ako ang klase ng tao para gamitin ang Diyos tapos lolokohin kita, hindi ako nagbibitiw ng “I Love You” sa taong mahal ko, sa iyo, kung di ko din naman ito taos.

Hindi ako magagalit sa iyo, hindi ka din makakarinig sa akin ng sumbat o kung anuman. May pagkakamali ako at ang pagkakamali ko hindi ko naiopen up sa iyo. Di naman sa pagkakakamaling nagawa ko na maiopen sa iyo ay ibig sabihin na niloloko o tino-two time na kita. Hindi ako ganung klaseng lalaki. Walang papantay sa iyo at kailanman walang hihigit sa iyo. Ikaw lang at wala ng iba ang laman ng puso ko. Oo dito ako magaling sa panlalambing o sweet words, di ko ito sinasabi para mawala galit mo o lumambot puso mo sa akin. Sinasabi ko ito dahil ito ang nararamdaman ko. Hindi ako sweet o umeeffort sa iyo para may pagtakpan na mali o kung anu mang negative. Ganito ako sa iyo dahil seryoso akong mahal ka.

Maraming salamat, dahil sa nangyari na ito may natutunan ako. Natutunan ko huwag matakot at iopen up ng tuluyan. Hindi ako ang perpektong lalaki at di ako ang ideal guy mo. Humihingi ako ng sorry at nasaktan kita at napapaisip kita. Hindi ko ginusto na pagdudahan mo ako. Sino ba naman ang may gusto na pagdudahan. Gusto kong sumigaw sa mga oras na ito dahil nagkakaganito tayo. Hindi ko gusto na pagdudahan ako dahil di ko masisikmurang mang gago ng babae, dahil ako mismo nakaranas na ng ganun at di lang isa sunod sunod pa.

Babe, hindi ako makikipagtalo. Aaminin kong may pagkakamali ako at pagkukulang. Di ako perpekto. Pero hindi ko gagawin na lokohin ka. Walang nangyari sa amin ni Ayesha nung panahon na MU tayo at nung naging tayo. Hindi ako ganung klase ng lalaki. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at hindi siya kaselos selos dahil wala siyang ibubuga sa iyo.

Wala na akong masasabi pa bukod sa paghingi ko ng pasensya at sorry. May right kang magalit at di ako pansinin o itext. I will respect that. Sana maisip mo din kung hindi ako tapat at seryoso sa iyo di na ako para magstay pa sa buhay mo. Mahal na maha kita at ikaw lang ang babae sa puso ko. Tapat ako at seryoso sa pinasok ko. I am deeply sorry nagalit kita at nasaktan. Sorry to ruin the start of your week. Until here… I’ll do what you said sa text. Ingat ka lagi and God bless you and your loved ones.


I love you so much Faye.

leilockheart:

Found on - LINK

leilockheart:

Found on - LINK

leilockheart:

Found on - LINK

leilockheart:

Found on - LINK